Mga Taga-Efeso 6

Maglingkod kayo nang may mabuting kalooban na para bang ang Panginoon mismo ang pinaglilingkuran ninyo at hindi ang tao.

Ephesians 6:7 (UKJV) With good will doing service, as to the Lord, and not to men:

5Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may katapatan, paggalang at pagkatakot na parang si Kristo ang pinaglilingkuran ninyo.

6Gawin ninyo ito nang kusang-loob, hindi dahil nakatingin sila para silaʼy malugod, kundi dahil mga alipin kayo ni Kristo na gumagawa ng kalooban ng Diyos.

7Maglingkod kayo nang may mabuting kalooban na para bang ang Panginoon mismo ang pinaglilingkuran ninyo at hindi ang tao.

8Alalahanin ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat isa ayon sa ginawa niyang mabuti, alipin man siya o hindi.

9At kayo namang mga amo, tratuhin ninyo nang mabuti ang inyong mga alipin at huwag ninyo silang tatakutin o pagbabantaan, dahil alam naman ninyong kayoʼy kapwa may iisang amo sa langit, at wala siyang kinikilingan kahit sino.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.