1Ito ang mga pangyayari sa panahon ni Haring Asuero. Siya ang Asuero na naghari sa 127 na lalawigan mula sa India hanggang sa Etiopia.
2Noong panahong iyon, pinamumunuan niya ang kanyang nasasakupan mula sa kanyang trono sa lungsod ng Susa.
3Nang ikatlong taon ng paghahari niya, nagdaos siya ng malaking piging para sa mga pinuno niya at sa iba pang lingkod sa palasyo. Dumalo rin ang mga pinuno ng mga kawal ng Persia at Media pati na ang mararangal na tao at mga pinuno ng mga lalawigan.
4Ang piging iyon ay tumagal ng anim na buwan. At sa loob ng mga panahong iyon, ipinakita ni Asuero ang kayamanan ng kaharian niya, ang kanyang kapangyarihan, at ang karangyaan ng kanyang pamumuhay.