Ester 1

Nang ikatlong taon ng paghahari niya, nagdaos siya ng malaking piging para sa mga pinuno niya at sa iba pang lingkod sa palasyo. Dumalo rin ang mga pinuno ng mga kawal ng Persia at Media pati na ang mararangal na tao at mga pinuno ng mga lalawigan.

Esther 1:3 (UKJV) In the third year of his reign, he made a feast unto all his princes and his servants; the power of Persia and Media, the nobles and princes of the provinces, being before him:

1Ito ang mga pangyayari sa panahon ni Haring Asuero. Siya ang Asuero na naghari sa 127 na lalawigan mula sa India hanggang sa Etiopia.

2Noong panahong iyon, pinamumunuan niya ang kanyang nasasakupan mula sa kanyang trono sa lungsod ng Susa.

3Nang ikatlong taon ng paghahari niya, nagdaos siya ng malaking piging para sa mga pinuno niya at sa iba pang lingkod sa palasyo. Dumalo rin ang mga pinuno ng mga kawal ng Persia at Media pati na ang mararangal na tao at mga pinuno ng mga lalawigan.

4Ang piging iyon ay tumagal ng anim na buwan. At sa loob ng mga panahong iyon, ipinakita ni Asuero ang kayamanan ng kaharian niya, ang kanyang kapangyarihan, at ang karangyaan ng kanyang pamumuhay.

5Pagkatapos noon, naghanda rin ang hari para sa lahat ng mga taga-Susa, mayaman man o dukha. Ang handaang iyon ay ginanap sa hardin ng palasyo ng hari, at tumagal ng isang linggo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.