7Pati ang mga kopang iniinuman ng mga panauhin ay yari sa gintong ibaʼt iba ang hugis at disenyo. Maraming mamahaling alak ang inihain angkop sa kasaganaan ng hari.
8Sa utos ng hari, hindi hinigpitan ang pag-iinom, sapagkat sinabihan ng hari ang mga alipin niyang pagsilbihan ang lahat hanggaʼt gusto nila.
9Habang nagdaraos ng piging ang hari para sa mga kalalakihan, nagdaraos din ng handaan si Reyna Vasti para sa mga kababaihan sa palasyo ni Haring Asuero.
10At sa ikapitong araw ng pagdiriwang, masayang-masaya ang hari dahil sa labis na nainom. Ipinatawag niya sina Mehuman, Bizta, Harbona, Bigta, Abagta, Zetar at Carcas, ang kanyang pitong eunukong nag-aasikaso sa kanya.
11Ipinasundo niya si Reyna Vasti sa kanila. Ipinasabi niyang isuot ng reyna ang kanyang korona para ipakita ang kagandahan niya sa mga pinuno at mga panauhin, dahil talagang maganda ito.