9Habang nagdaraos ng piging ang hari para sa mga kalalakihan, nagdaraos din ng handaan si Reyna Vasti para sa mga kababaihan sa palasyo ni Haring Asuero.
10At sa ikapitong araw ng pagdiriwang, masayang-masaya ang hari dahil sa labis na nainom. Ipinatawag niya sina Mehuman, Bizta, Harbona, Bigta, Abagta, Zetar at Carcas, ang kanyang pitong eunukong nag-aasikaso sa kanya.
11Ipinasundo niya si Reyna Vasti sa kanila. Ipinasabi niyang isuot ng reyna ang kanyang korona para ipakita ang kagandahan niya sa mga pinuno at mga panauhin, dahil talagang maganda ito.
12Pero nang masabi ng mga lingkod sa reyna ang gusto ng hari, sinabi nitong ayaw niyang pumunta roon. Kaya lubhang nagalit ang hari sa kanya.
13Humingi siya ng payo sa mga pantas, sapagkat nasa patakaran ng haring sumangguni sa mga nakakaalam ng mga kautusan at batas ng kaharian.