Ester 2

Nang mawala na ang galit ni Haring Asuero, naalala niya si Vasti at ang ginawa nito, at ang kautusan na nilagdaan niya laban dito.

Esther 2:1 (UKJV) After these things, when the wrath of king Ahasuerus was appeased, he remembered Vashti, and what she had done, and what was decreed against her.

1Nang mawala na ang galit ni Haring Asuero, naalala niya si Vasti at ang ginawa nito, at ang kautusan na nilagdaan niya laban dito.

2Sinabi ng mga pinunong naglilingkod sa kanya, “Mahal na Hari, bakit po hindi kayo magpahanap ng magagandang dalagang birhen?

3Pumili po kayo ng mga pinuno sa bawat lalawigang nasasakupan ng kaharian ninyo para maghanap ng magagandang dalagang birhen at dalhin dito sa lungsod ng Susa, sa tahanan ng mga kababaihan. Ipaasikaso ninyo sila kay Hegai na isa sa mga pinuno ninyong mataas ang katungkulan, na nangangalaga sa tahanan ng mga kababaihan. Siya na po ang bahalang magbigay sa mga dalaga ng mga pangangailangan nila para sa pagpapaganda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.