1Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, itinaas ni Haring Asuero sa tungkulin si Haman na anak ni Hamedata na Agageo. Ginawa siyang pinakamataas na pinuno sa kaharian niya.
2Inutusan niya ang lahat ng opisyal na yumukod kay Haman bilang paggalang sa kanya. Pero ayaw yumukod ni Mordecai.
3Tinanong siya ng ibang pinuno kung bakit hindi niya sinusunod ang utos ng hari.