Ester 4

Sapagkat kahit na manahimik ka sa panahong ito, may ibang tutulong at magliligtas sa mga Hudyo, pero ikaw at ang mga kamag-anak mo ay mamamatay. Baka nga kaya ka ginawang reyna ay para mailigtas mo ang kapwa mo mga Hudyo.”

Esther 4:14 (UKJV) For if you altogether hold your peace at this time, then shall there enlargement and deliverance arise to the Jews from another place; but you and your father's house shall be destroyed: and who knows whether you are come to the kingdom for such a time as this?

12Pagkatapos na masabi kay Mordecai ang ipinapasabi ni Ester,

13ito naman ang tugon niya kay Ester: “Huwag mong isiping ikaw lang sa lahat ng Hudyo ang makakaligtas dahil sa palasyo ka nakatira.

14Sapagkat kahit na manahimik ka sa panahong ito, may ibang tutulong at magliligtas sa mga Hudyo, pero ikaw at ang mga kamag-anak mo ay mamamatay. Baka nga kaya ka ginawang reyna ay para mailigtas mo ang kapwa mo mga Hudyo.”

15Ito naman ang ipinasabi ni Ester kay Mordecai,

16“Humayo ka, tipunin mo ang lahat ng Hudyo na nandito sa Susa at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom sa loob ng tatlong araw. Ako at ang mga alipin kong babae ay mag-aayuno rin. At pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit na labag sa batas. At kung papatayin man ako, handa akong mamatay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.