Ester 5

Nang ikatlong araw, isinuot ni Ester ang kasuotan niyang pangreyna, at tumayo sa bulwagan ng palasyo na nakaharap sa trono ng hari. Nakaupo noon ang hari sa trono niya at nakaharap siya sa pintuan.

Esther 5:1 (UKJV) Now it came to pass on the third day, that Esther put on her royal apparel, and stood in the inner court of the king's house, opposite to the king's house: and the king sat upon his royal throne in the royal house, opposite to the gate of the house.

1Nang ikatlong araw, isinuot ni Ester ang kasuotan niyang pangreyna, at tumayo sa bulwagan ng palasyo na nakaharap sa trono ng hari. Nakaupo noon ang hari sa trono niya at nakaharap siya sa pintuan.

2Nang makita niya si Reyna Ester, natuwa siya at iniabot niya rito ang kanyang gintong setro. Kaya lumapit si Ester at hinipo ang dulo ng setro.

3Nagtanong ang hari sa kanya, “Ano ang kailangan mo Mahal na Reyna? Sabihin mo at ibibigay ko sa iyo kahit ang kalahati ng aking kaharian.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.