3Nagtanong ang hari sa kanya, “Ano ang kailangan mo Mahal na Reyna? Sabihin mo at ibibigay ko sa iyo kahit ang kalahati ng aking kaharian.”
4Sumagot si Ester, “Mahal na Hari, kung ibig po ninyo, inaanyayahan ko po kayo at si Haman sa piging na ihahanda ko para sa inyo.”
5Sinabi ng hari sa mga alipin niya, “Tawagin ninyo si Haman para masunod namin ang kahilingan ni Ester.” Kaya pumunta agad ang hari at si Haman sa hapunang inihanda ni Ester.
6At habang nag-iinuman sila, tinanong ng hari si Ester, “Ano ba talaga ang kailangan mo? Sabihin mo na dahil ibibigay ko sa iyo kahit ang kalahati ng kaharian ko.”
7Sumagot si Ester, “Ito po ang kahilingan ko,