5Sinabi ng hari sa mga alipin niya, “Tawagin ninyo si Haman para masunod namin ang kahilingan ni Ester.” Kaya pumunta agad ang hari at si Haman sa hapunang inihanda ni Ester.
6At habang nag-iinuman sila, tinanong ng hari si Ester, “Ano ba talaga ang kailangan mo? Sabihin mo na dahil ibibigay ko sa iyo kahit ang kalahati ng kaharian ko.”
7Sumagot si Ester, “Ito po ang kahilingan ko,
8kung mamarapatin po ninyo at gusto ninyong ibigay ang kahilingan ko, minsan ko pa po kayong inaanyayahan at si Haman sa hapunan na ihahanda ko para sa inyo bukas. At saka ko po sasabihin ang kahilingan ko sa inyo.”
9Nang araw na iyon, masayang-masayang lumabas sa palasyo si Haman. Ngunit nagalit siya nang makita niya si Mordecai sa pintuan ng palasyo na hindi man lang tumayo o yumukod bilang paggalang sa kanya.