1Dumalo sina Haring Asuero at Haman sa inihandang hapunan ni Reyna Ester.
2At habang umiinom sila ng alak, tinanong muli ng hari si Reyna Ester, “Ano ba talaga ang kahilingan mo? Sabihin mo na at ibibigay ko sa iyo kahit kalahati ng kaharian ko.”
3Sumagot si Reyna Ester, “Mahal na Hari, kung kalugod-lugod po ako sa inyo, iligtas po ninyo ako at ang aking mga kalahing Hudyo. Ito po ang kahilingan ko sa inyo.