Ester 8

Nang araw ding iyon, ibinigay ni Haring Asuero kay Reyna Ester ang ari-arian ni Haman, ang kalaban ng mga Hudyo. Sinabi ni Ester sa hari na kamag-anak niya si Mordecai, kaya ipinatawag ito ng hari.

Esther 8:1 (UKJV) On that day did the king Ahasuerus give the house of Haman the Jews' enemy unto Esther the queen. And Mordecai came before the king; for Esther had told what he was unto her.

1Nang araw ding iyon, ibinigay ni Haring Asuero kay Reyna Ester ang ari-arian ni Haman, ang kalaban ng mga Hudyo. Sinabi ni Ester sa hari na kamag-anak niya si Mordecai, kaya ipinatawag ito ng hari.

2Kinuha ng hari ang kanyang singsing na pantatak, na binawi niya kay Haman, at ibinigay kay Mordecai. At siya ang ginawang katiwala ni Ester sa lahat ng ari-arian ni Haman.

3Minsan pang lumapit si Ester kay Haring Asuero habang nakaluhod at umiiyak sa kanyang paanan. Hiniling niyang huwag nang ituloy ang masamang plano ni Haman na Agageo laban sa mga Hudyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.