Ester 9

Dumating ang ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan ng Adar. Ito ang araw na ipapatupad ang kautusan ng hari. Inakala ng mga kalaban na sa araw na ito ay lubusan na nilang malilipol ang mga Hudyo. Ngunit kabaligtaran ang nangyari, dahil sila ang nalipol ng mga Hudyo.

Esther 9:1 (UKJV) Now in the twelfth month, that is, the month Adar, on the thirteenth day of the same, when the king's commandment and his decree drew near to be put in execution, in the day that the enemies of the Jews hoped to have power over them, (though it was turned to the contrary, that the Jews had rule over them that hated them;)

1Dumating ang ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan ng Adar. Ito ang araw na ipapatupad ang kautusan ng hari. Inakala ng mga kalaban na sa araw na ito ay lubusan na nilang malilipol ang mga Hudyo. Ngunit kabaligtaran ang nangyari, dahil sila ang nalipol ng mga Hudyo.

2Nang araw na iyon, nagtipon ang mga Hudyo sa kani-kanilang mga lungsod at lalawigan na sakop ni Haring Asuero para patayin ang sinumang mangahas na sumalakay sa kanila. Subalit wala namang nangahas dahil takot sa kanila ang mga tao.

3Tinulungan pa ng mga pinuno ng mga lalawigan, ng mga gobernador, at ng iba pang lingkod ng hari sa bawat lugar ang mga Hudyo dahil natatakot din sila kay Mordecai.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.