Ester 9

Tinulungan pa ng mga pinuno ng mga lalawigan, ng mga gobernador, at ng iba pang lingkod ng hari sa bawat lugar ang mga Hudyo dahil natatakot din sila kay Mordecai.

Esther 9:3 (UKJV) And all the rulers of the provinces, and the lieutenants, and the deputies, and officers of the king, helped the Jews; because the fear of Mordecai fell upon them.

1Dumating ang ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan ng Adar. Ito ang araw na ipapatupad ang kautusan ng hari. Inakala ng mga kalaban na sa araw na ito ay lubusan na nilang malilipol ang mga Hudyo. Ngunit kabaligtaran ang nangyari, dahil sila ang nalipol ng mga Hudyo.

2Nang araw na iyon, nagtipon ang mga Hudyo sa kani-kanilang mga lungsod at lalawigan na sakop ni Haring Asuero para patayin ang sinumang mangahas na sumalakay sa kanila. Subalit wala namang nangahas dahil takot sa kanila ang mga tao.

3Tinulungan pa ng mga pinuno ng mga lalawigan, ng mga gobernador, at ng iba pang lingkod ng hari sa bawat lugar ang mga Hudyo dahil natatakot din sila kay Mordecai.

4Sapagkat makapangyarihan na si Mordecai sa palasyo ng hari at tanyag na sa buong kaharian. At lalo pang nadadagdagan ang kanyang kapangyarihan.

5Pinatay ng mga Hudyo ang lahat ng kalaban nila nang araw na iyon sa pamamagitan ng espada. Ginawa nila ang gusto nila sa lahat ng nagagalit sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.