Ester 9

Sinabi ng hari kay Reyna Ester, “Sa Susa pa lang limandaang lalaki ang pinatay ng mga Hudyo, at pinatay din nila ang sampung anak ni Haman. Ano kaya ang nangyari sa ibang lungsod at lalawigan? Ano pa ngayon ang gusto mong hilingin at ibibigay ko sa iyo.”

Esther 9:12 (UKJV) And the king said unto Esther the queen, The Jews have slain and destroyed five hundred men in Shushan the palace, and the ten sons of Haman; what have they done in the rest of the king's provinces? now what is your petition? and it shall be granted you: or what is your request further? and it shall be done.

10na mga anak na lalaki ni Haman na kalaban ng mga Hudyo at anak ni Hamedata. Pero hindi sinamsam ng mga Hudyo ang mga ari-arian ng mga kalaban nila.

11Nang araw ding iyon, napag-alaman ng hari ang dami ng mga pinatay sa lungsod ng Susa.

12Sinabi ng hari kay Reyna Ester, “Sa Susa pa lang limandaang lalaki ang pinatay ng mga Hudyo, at pinatay din nila ang sampung anak ni Haman. Ano kaya ang nangyari sa ibang lungsod at lalawigan? Ano pa ngayon ang gusto mong hilingin at ibibigay ko sa iyo.”

13Sinabi ni Ester, “Mahal na Hari, kung gusto po ninyo, payagan ninyong ipagtanggol pa ng mga Hudyo rito sa Susa ang kanilang sarili hanggang bukas, tulad ng ginagawa nila ngayon. At ituhog sa nakatayong kahoy ang mga bangkay ng sampung anak ni Haman.”

14Kaya nag-utos ang hari na gawin ang kahilingan ni Ester. Ipinaalam sa mga taga-Susa ang utos ng hari at ibinigay ang mga bangkay ng sampung anak ni Haman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.