Ester 9

Sa sulat na ito, sinabi ni Mordecai sa mga Hudyo na dapat alalahanin nila at ipagdiwang ang ikalabing-apat at ikalabinlimang araw ng buwan ng Adar.

Esther 9:21 (UKJV) To establish this among them, that they should keep the fourteenth day of the month Adar, and the fifteenth day of the same, yearly,

19Ito ang dahilan kung bakit ang mga Hudyong nasa lalawigan ay nagdiriwang ng pista sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar. Sa araw na iyon, nagbibigayan sila ng mga regalo.

20Isinulat ni Mordecai ang lahat ng nangyari, at nagpadala siya ng sulat sa lahat ng Hudyo sa malalayo at sa malalapit na lalawigang nasasakupan ni Haring Asuero.

21Sa sulat na ito, sinabi ni Mordecai sa mga Hudyo na dapat alalahanin nila at ipagdiwang ang ikalabing-apat at ikalabinlimang araw ng buwan ng Adar.

22Itoʼy para alalahanin ang araw na nakaligtas sila sa mga kalaban, na ang kalungkutan nila ay naging kaligayahan at ang kanilang iyakan ay naging kasayahan. Kaya sinabi sa kanila ni Mordecai sa sulat na dapat magdiwang sila ng pista, magsaya sa araw na iyon, at magbigayan ng mga regalo sa isaʼt isa at sa mahihirap.

23Sinunod ng mga Hudyo ang utos ni Mordecai, na patuloy nilang ipagdiwang ang pistang iyon sa bawat taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.