Ester 9

Ito ang dahilan kung bakit ang mga Hudyong nasa lalawigan ay nagdiriwang ng pista sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar. Sa araw na iyon, nagbibigayan sila ng mga regalo.

Esther 9:19 (UKJV) Therefore the Jews of the villages, that dwelt in the towns without protective walls, made the fourteenth day of the month Adar a day of gladness and feasting, and a good day, and of sending portions one to another.

17Nangyari ito noong ikalabintatlong araw ng buwan ng Adar. Sa ikalabing-apat na araw, nagpahinga sila at ginawa itong araw ng pagdiriwang at kagalakan.

18Ngunit sa Susa, patuloy pa ang pagpatay ng mga Hudyo sa kanilang mga kalaban. At nang ikalabinlimang araw ng buwan ng Adar, nagpahinga sila at nagdiwang ng pista.

19Ito ang dahilan kung bakit ang mga Hudyong nasa lalawigan ay nagdiriwang ng pista sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar. Sa araw na iyon, nagbibigayan sila ng mga regalo.

20Isinulat ni Mordecai ang lahat ng nangyari, at nagpadala siya ng sulat sa lahat ng Hudyo sa malalayo at sa malalapit na lalawigang nasasakupan ni Haring Asuero.

21Sa sulat na ito, sinabi ni Mordecai sa mga Hudyo na dapat alalahanin nila at ipagdiwang ang ikalabing-apat at ikalabinlimang araw ng buwan ng Adar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.