Ester 9

Ngunit sa Susa, patuloy pa ang pagpatay ng mga Hudyo sa kanilang mga kalaban. At nang ikalabinlimang araw ng buwan ng Adar, nagpahinga sila at nagdiwang ng pista.

Esther 9:18 (UKJV) But the Jews that were at Shushan assembled together on the thirteenth day thereof, and on the fourteenth thereof; and on the fifteenth day of the same they rested, and made it a day of feasting and gladness.

16Samantala, nagtipon ang mga ibang Hudyo na nasa ibaʼt ibang lalawigan ng kaharian upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili at makaligtas mula sa kanilang mga kaaway. Nakapatay sila ng pitumpuʼt limang libong tao, pero hindi nila sinamsam ang mga ari-arian ng mga ito.

17Nangyari ito noong ikalabintatlong araw ng buwan ng Adar. Sa ikalabing-apat na araw, nagpahinga sila at ginawa itong araw ng pagdiriwang at kagalakan.

18Ngunit sa Susa, patuloy pa ang pagpatay ng mga Hudyo sa kanilang mga kalaban. At nang ikalabinlimang araw ng buwan ng Adar, nagpahinga sila at nagdiwang ng pista.

19Ito ang dahilan kung bakit ang mga Hudyong nasa lalawigan ay nagdiriwang ng pista sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar. Sa araw na iyon, nagbibigayan sila ng mga regalo.

20Isinulat ni Mordecai ang lahat ng nangyari, at nagpadala siya ng sulat sa lahat ng Hudyo sa malalayo at sa malalapit na lalawigang nasasakupan ni Haring Asuero.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.