Ester 9

Samantala, nagtipon ang mga ibang Hudyo na nasa ibaʼt ibang lalawigan ng kaharian upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili at makaligtas mula sa kanilang mga kaaway. Nakapatay sila ng pitumpuʼt limang libong tao, pero hindi nila sinamsam ang mga ari-arian ng mga ito.

Esther 9:16 (UKJV) But the other Jews that were in the king's provinces gathered themselves together, and stood for their lives, and had rest from their enemies, and slew of their foes seventy and five thousand, but they laid not their hands on the prey,

14Kaya nag-utos ang hari na gawin ang kahilingan ni Ester. Ipinaalam sa mga taga-Susa ang utos ng hari at ibinigay ang mga bangkay ng sampung anak ni Haman.

15Sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar, nagtipong muli ang mga Hudyo na nasa Susa at nakapatay pa sila ng tatlong daang lalaki. Ngunit hindi rin nila sinamsam ang mga ari-arian ng mga ito.

16Samantala, nagtipon ang mga ibang Hudyo na nasa ibaʼt ibang lalawigan ng kaharian upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili at makaligtas mula sa kanilang mga kaaway. Nakapatay sila ng pitumpuʼt limang libong tao, pero hindi nila sinamsam ang mga ari-arian ng mga ito.

17Nangyari ito noong ikalabintatlong araw ng buwan ng Adar. Sa ikalabing-apat na araw, nagpahinga sila at ginawa itong araw ng pagdiriwang at kagalakan.

18Ngunit sa Susa, patuloy pa ang pagpatay ng mga Hudyo sa kanilang mga kalaban. At nang ikalabinlimang araw ng buwan ng Adar, nagpahinga sila at nagdiwang ng pista.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.