22Itoʼy para alalahanin ang araw na nakaligtas sila sa mga kalaban, na ang kalungkutan nila ay naging kaligayahan at ang kanilang iyakan ay naging kasayahan. Kaya sinabi sa kanila ni Mordecai sa sulat na dapat magdiwang sila ng pista, magsaya sa araw na iyon, at magbigayan ng mga regalo sa isaʼt isa at sa mahihirap.
23Sinunod ng mga Hudyo ang utos ni Mordecai, na patuloy nilang ipagdiwang ang pistang iyon sa bawat taon.
24Si Haman na anak ni Hamedata na Agageo, na kalaban ng mga Hudyo ay nagplanong patayin ang lahat ng Hudyo. Nagpalabunutan sila para malaman kung kailan isasagawa ang pagpatay. Ang uri ng palabunutan na ginamit ay tinatawag na “Pur”.
25Ngunit nang malaman ng hari ang planong ito sa pamamagitan ni Reyna Ester, nagpasulat ang hari ng isang utos na ang masamang plano ni Haman laban sa mga Hudyo ay gawin kay Haman at sa mga anak nitong lalaki. At iyon nga ang nangyari.
26Ito ang dahilan kaya tinawag ang pistang iyon na Purim, na mula sa salitang “Pur”, na ang ibig sabihin ay palabunutan. At dahil sa sulat ni Mordecai at ayon sa karanasan nila,