Ester 9

Ito ang dahilan kaya tinawag ang pistang iyon na Purim, na mula sa salitang “Pur”, na ang ibig sabihin ay palabunutan. At dahil sa sulat ni Mordecai at ayon sa karanasan nila,

Esther 9:26 (UKJV) Wherefore they called these days Purim after the name of Pur. Therefore for all the words of this letter, and of that which they had seen concerning this matter, and which had come unto them,

24Si Haman na anak ni Hamedata na Agageo, na kalaban ng mga Hudyo ay nagplanong patayin ang lahat ng Hudyo. Nagpalabunutan sila para malaman kung kailan isasagawa ang pagpatay. Ang uri ng palabunutan na ginamit ay tinatawag na “Pur”.

25Ngunit nang malaman ng hari ang planong ito sa pamamagitan ni Reyna Ester, nagpasulat ang hari ng isang utos na ang masamang plano ni Haman laban sa mga Hudyo ay gawin kay Haman at sa mga anak nitong lalaki. At iyon nga ang nangyari.

26Ito ang dahilan kaya tinawag ang pistang iyon na Purim, na mula sa salitang “Pur”, na ang ibig sabihin ay palabunutan. At dahil sa sulat ni Mordecai at ayon sa karanasan nila,

27nagkasundo ang mga Hudyo na ipagdiwang nila ang dalawang araw na iyon taon-taon katulad ng sinabi ni Mordecai, at napagpasyahan din nilang ipagdiwang ito ng kanilang angkan at ng lahat ng naging Hudyo.

28Ang dalawang araw na ito ay aalalahanin at ipagdiriwang ng bawat sambahayan ng Hudyo sa bawat salinlahi nila, sa lahat ng lungsod at lalawigan. Hindi ito dapat kalimutan o itigil ng alin mang lahi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.