Ester 9

Ang dalawang araw na ito ay aalalahanin at ipagdiriwang ng bawat sambahayan ng Hudyo sa bawat salinlahi nila, sa lahat ng lungsod at lalawigan. Hindi ito dapat kalimutan o itigil ng alin mang lahi.

Esther 9:28 (UKJV) And that these days should be remembered and kept throughout every generation, every family, every province, and every city; and that these days of Purim should not fail from among the Jews, nor the memorial of them perish from their seed.

26Ito ang dahilan kaya tinawag ang pistang iyon na Purim, na mula sa salitang “Pur”, na ang ibig sabihin ay palabunutan. At dahil sa sulat ni Mordecai at ayon sa karanasan nila,

27nagkasundo ang mga Hudyo na ipagdiwang nila ang dalawang araw na iyon taon-taon katulad ng sinabi ni Mordecai, at napagpasyahan din nilang ipagdiwang ito ng kanilang angkan at ng lahat ng naging Hudyo.

28Ang dalawang araw na ito ay aalalahanin at ipagdiriwang ng bawat sambahayan ng Hudyo sa bawat salinlahi nila, sa lahat ng lungsod at lalawigan. Hindi ito dapat kalimutan o itigil ng alin mang lahi.

29Upang lalong mapagtibay ang sulat ni Mordecai tungkol sa Pista ng Purim, sumulat din si Reyna Ester na anak ni Abihail patungkol dito. Kasama rin niya si Mordecai sa pagsulat nito.

30At ipinadala iyon ni Mordecai sa 127 lalawigan na sakop ng kaharian ni Haring Asuero. Ang sulat ay nagdulot ng kapayapaan at katiwasayan sa mga Hudyo,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.