Exodus 1

Sumagot sila, “Ang mga babaeng Hebreo ay hindi tulad ng mga babaeng Ehipsiyo; madali silang manganak at bago pa po kami dumating, nakapanganak na sila.”

Exodus 1:19 (UKJV) And the midwives said unto Pharaoh, Because the Hebrew women are not as the Egyptian women; for they are lively, and are delivered before the midwives come in unto them.

17Ngunit dahil may takot sa Diyos ang mga kumadrona, hindi nila sinunod ang iniutos ng hari. Sa halip, hinahayaan nilang mabuhay ang mga sanggol na lalaki.

18Kaya ipinatawag ng hari ng Ehipto ang mga kumadrona at tinanong, “Bakit ninyo ito ginawa? Bakit hinahayaan ninyong mabuhay ang mga sanggol na lalaki?”

19Sumagot sila, “Ang mga babaeng Hebreo ay hindi tulad ng mga babaeng Ehipsiyo; madali silang manganak at bago pa po kami dumating, nakapanganak na sila.”

20Kaya pinagpala ng Diyos ang mga kumadrona at dumami pa nang dumami ang mga Israelita.

21At dahil sa iginagalang ng mga kumadrona ang Diyos, binigyan sila ng Diyos ng sarili nilang pamilya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.