Exodus 10

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Itaas mo ang iyong tungkod sa Ehipto upang dumating ang mga balang, at kainin ng mga ito ang mga naiwang pananim na hindi nasira nang umulan ng yelo.”

Exodus 10:12 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Stretch out yours hand over the land of Egypt for the locusts, that they may come up upon the land of Egypt, and eat every herb of the land, even all that the hail has left.

10Sinabi ng Faraon, “Sanaʼy samahan kayo ng Panginoon kung papayagan kong umalis kayo kasama ang inyong mga asawaʼt anak! Malinaw na may masama kayong intensyon.

11Hindi ako papayag! Ang mga lalaki lang ang aalis na sumamba sa Panginoon kung iyan ang gusto ninyo.” At pinalayas sina Moises at Aaron sa harapan ng Faraon.

12Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Itaas mo ang iyong tungkod sa Ehipto upang dumating ang mga balang, at kainin ng mga ito ang mga naiwang pananim na hindi nasira nang umulan ng yelo.”

13Kaya itinaas ni Moises ang kanyang tungkod sa lupain ng Ehipto, at nagpadala ang Panginoon ng hangin mula sa silangan buong araw at gabi. Kinaumagahan, nagdala ang hangin ng napakaraming balang

14at dumagsa ito sa buong Ehipto. Hindi pa kailanman nagkaroon ng pagsalakay ng mga balang tulad nito sa buong Ehipto at hindi na magkakaroon pang muli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.