Exodus 10

at dumagsa ito sa buong Ehipto. Hindi pa kailanman nagkaroon ng pagsalakay ng mga balang tulad nito sa buong Ehipto at hindi na magkakaroon pang muli.

Exodus 10:14 (UKJV) And the locust went up over all the land of Egypt, and rested in all the coasts of Egypt: very grievous were they; before them there were no such locusts as they, neither after them shall be such.

12Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Itaas mo ang iyong tungkod sa Ehipto upang dumating ang mga balang, at kainin ng mga ito ang mga naiwang pananim na hindi nasira nang umulan ng yelo.”

13Kaya itinaas ni Moises ang kanyang tungkod sa lupain ng Ehipto, at nagpadala ang Panginoon ng hangin mula sa silangan buong araw at gabi. Kinaumagahan, nagdala ang hangin ng napakaraming balang

14at dumagsa ito sa buong Ehipto. Hindi pa kailanman nagkaroon ng pagsalakay ng mga balang tulad nito sa buong Ehipto at hindi na magkakaroon pang muli.

15Dumagsa ang mga ito sa buong Ehipto hanggang sa mangitim ang lupa. Kinain ang mga naiwang pananim na hindi nasira ng mga yelo, pati ang lahat ng bunga ng mga puno. Walang naiwang pananim sa buong Ehipto.

16Agad na ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron, at sinabi, “Nagkasala ako sa Panginoon na inyong Diyos at sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.