Exodus 10

Dumagsa ang mga ito sa buong Ehipto hanggang sa mangitim ang lupa. Kinain ang mga naiwang pananim na hindi nasira ng mga yelo, pati ang lahat ng bunga ng mga puno. Walang naiwang pananim sa buong Ehipto.

Exodus 10:15 (UKJV) For they covered the face of the whole earth, so that the land was darkened; and they did eat every herb of the land, and all the fruit of the trees which the hail had left: and there remained not any green thing in the trees, or in the herbs of the field, through all the land of Egypt.

13Kaya itinaas ni Moises ang kanyang tungkod sa lupain ng Ehipto, at nagpadala ang Panginoon ng hangin mula sa silangan buong araw at gabi. Kinaumagahan, nagdala ang hangin ng napakaraming balang

14at dumagsa ito sa buong Ehipto. Hindi pa kailanman nagkaroon ng pagsalakay ng mga balang tulad nito sa buong Ehipto at hindi na magkakaroon pang muli.

15Dumagsa ang mga ito sa buong Ehipto hanggang sa mangitim ang lupa. Kinain ang mga naiwang pananim na hindi nasira ng mga yelo, pati ang lahat ng bunga ng mga puno. Walang naiwang pananim sa buong Ehipto.

16Agad na ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron, at sinabi, “Nagkasala ako sa Panginoon na inyong Diyos at sa inyo.

17Patawarin nʼyo akong muli, at manalangin kayo sa Panginoon inyong Diyos na tanggalin niya sa akin ang nakakamatay na salot na ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.