Exodus 10

Patawarin nʼyo akong muli, at manalangin kayo sa Panginoon inyong Diyos na tanggalin niya sa akin ang nakakamatay na salot na ito.”

Exodus 10:17 (UKJV) Now therefore forgive, I pray you, my sin only this once, and implore the LORD your God, that he may take away from me this death only.

15Dumagsa ang mga ito sa buong Ehipto hanggang sa mangitim ang lupa. Kinain ang mga naiwang pananim na hindi nasira ng mga yelo, pati ang lahat ng bunga ng mga puno. Walang naiwang pananim sa buong Ehipto.

16Agad na ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron, at sinabi, “Nagkasala ako sa Panginoon na inyong Diyos at sa inyo.

17Patawarin nʼyo akong muli, at manalangin kayo sa Panginoon inyong Diyos na tanggalin niya sa akin ang nakakamatay na salot na ito.”

18Umalis si Moises at nanalangin sa Panginoon.

19Sumagot ang Panginoon sa pamamagitan ng pagpapadala ng malakas na hangin galing sa kanluran, at inilipad nito ang mga balang sa Dagat na Pula. At wala ni isang balang na naiwan sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.