23Walang lumabas na mga Ehipsiyo sa kani-kanilang bahay dahil hindi nila makita ang isaʼt isa. Ngunit may liwanag sa lugar na tinitirhan ng lahat ng mga Israelita.
24Ipinatawag ng Faraon si Moises at sinabi, “Humayo kayo, sumamba na kayo sa Panginoon. Dalhin ninyo pati na ang inyong pamilya, pero iwan ninyo ang mga hayop.”
25Ngunit sumagot si Moises, “Kailangan naming dalhin ang mga hayop namin upang makapag-alay kami ng mga handog na sinusunog para sa Panginoon naming Diyos.
26Dadalhin namin ang mga hayop namin; walang maiiwan kahit isa sa kanila. Sapagkat hindi namin alam kung anong hayop ang ihahandog namin sa Panginoon. Malalaman lang namin ito kapag naroon na kami.”
27Ngunit pinatigas ng Panginoon ang puso ng Faraon, at hindi niya sila pinaalis.