1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Padadalhan ko ng isa pang salot ang Faraon at ang Ehipto. Pagkatapos nito, paaalisin na niya kayo. Itataboy pa niya kayo dahil gusto niyang makaalis agad kayo.
2Sabihin mo sa mga Israelita, lalaki man o babae, na humingi sila ng mga alahas na pilak at ginto sa mga kapitbahay nila na Ehipsiyo.”
3(Niloob ng Panginoon na paburan ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita, at iginalang din si Moises ng mga opisyal ng Faraon at ng mga mamamayan ng Ehipto.)
4Kaya sinabi ni Moises sa Faraon, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Dadaan ako sa Ehipto mga bandang hatinggabi,
5at mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto, mula sa panganay ng Faraon na papalit sa kanyang trono, hanggang sa panganay ng pinakamababang aliping babae. Mamamatay din ang lahat ng panganay ng mga hayop.