Exodus 11

at mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto, mula sa panganay ng Faraon na papalit sa kanyang trono, hanggang sa panganay ng pinakamababang aliping babae. Mamamatay din ang lahat ng panganay ng mga hayop.

Exodus 11:5 (UKJV) And all the firstborn in the land of Egypt shall die, from the first born of Pharaoh that sits upon his throne, even unto the firstborn of the maidservant that is behind the mill; and all the firstborn of beasts.

3(Niloob ng Panginoon na paburan ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita, at iginalang din si Moises ng mga opisyal ng Faraon at ng mga mamamayan ng Ehipto.)

4Kaya sinabi ni Moises sa Faraon, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Dadaan ako sa Ehipto mga bandang hatinggabi,

5at mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto, mula sa panganay ng Faraon na papalit sa kanyang trono, hanggang sa panganay ng pinakamababang aliping babae. Mamamatay din ang lahat ng panganay ng mga hayop.

6Maririnig ang matinding iyakan sa buong Ehipto na hindi pa nangyayari kailanman at hindi na mangyayari pang muli.

7Ngunit magiging tahimik ang mga Israelita; kahit tahol ng asoʼy walang maririnig.’ Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na iba ang pagtrato ng Panginoon sa mga Israelita at sa mga Ehipsiyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.