Exodus 11

Ngunit magiging tahimik ang mga Israelita; kahit tahol ng asoʼy walang maririnig.’ Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na iba ang pagtrato ng Panginoon sa mga Israelita at sa mga Ehipsiyo.

Exodus 11:7 (UKJV) But against any of the children of Israel shall not a dog move his tongue, against man or beast: that all of you may know how that the LORD does put a difference between the Egyptians and Israel.

5at mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto, mula sa panganay ng Faraon na papalit sa kanyang trono, hanggang sa panganay ng pinakamababang aliping babae. Mamamatay din ang lahat ng panganay ng mga hayop.

6Maririnig ang matinding iyakan sa buong Ehipto na hindi pa nangyayari kailanman at hindi na mangyayari pang muli.

7Ngunit magiging tahimik ang mga Israelita; kahit tahol ng asoʼy walang maririnig.’ Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na iba ang pagtrato ng Panginoon sa mga Israelita at sa mga Ehipsiyo.

8Lahat ng iyong mga opisyal ay lalapit sa akin na nakayuko at magsasabi, ‘Umalis ka na at isama mo ang mga mamamayang sumusunod sa iyo!’ Pagkatapos nito, aalis na ako.” At umalis si Moises sa harapan ng galit na galit na Faraon.

9Sinabi noon ng Panginoon kay Moises, “Hindi maniniwala ang Faraon sa iyo, upang marami pang mga kababalaghan ang magawa ko sa Ehipto.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.