Exodus 11

Sinabi noon ng Panginoon kay Moises, “Hindi maniniwala ang Faraon sa iyo, upang marami pang mga kababalaghan ang magawa ko sa Ehipto.”

Exodus 11:9 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Pharaoh shall not hearken unto you; that my wonders may be multiplied in the land of Egypt.

7Ngunit magiging tahimik ang mga Israelita; kahit tahol ng asoʼy walang maririnig.’ Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na iba ang pagtrato ng Panginoon sa mga Israelita at sa mga Ehipsiyo.

8Lahat ng iyong mga opisyal ay lalapit sa akin na nakayuko at magsasabi, ‘Umalis ka na at isama mo ang mga mamamayang sumusunod sa iyo!’ Pagkatapos nito, aalis na ako.” At umalis si Moises sa harapan ng galit na galit na Faraon.

9Sinabi noon ng Panginoon kay Moises, “Hindi maniniwala ang Faraon sa iyo, upang marami pang mga kababalaghan ang magawa ko sa Ehipto.”

10Ginawa nila Moises at Aaron ang mga kababalaghang ito sa harap ng Faraon, pero pinatigas ng Panginoon ang puso ng Faraon, at hindi pinayagan ng Faraon na umalis ang mga Israelita sa kanyang bansa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.