Exodus 11

Maririnig ang matinding iyakan sa buong Ehipto na hindi pa nangyayari kailanman at hindi na mangyayari pang muli.

Exodus 11:6 (UKJV) And there shall be a great cry throughout all the land of Egypt, such as there was none like it, nor shall be like it any more.

4Kaya sinabi ni Moises sa Faraon, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Dadaan ako sa Ehipto mga bandang hatinggabi,

5at mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto, mula sa panganay ng Faraon na papalit sa kanyang trono, hanggang sa panganay ng pinakamababang aliping babae. Mamamatay din ang lahat ng panganay ng mga hayop.

6Maririnig ang matinding iyakan sa buong Ehipto na hindi pa nangyayari kailanman at hindi na mangyayari pang muli.

7Ngunit magiging tahimik ang mga Israelita; kahit tahol ng asoʼy walang maririnig.’ Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na iba ang pagtrato ng Panginoon sa mga Israelita at sa mga Ehipsiyo.

8Lahat ng iyong mga opisyal ay lalapit sa akin na nakayuko at magsasabi, ‘Umalis ka na at isama mo ang mga mamamayang sumusunod sa iyo!’ Pagkatapos nito, aalis na ako.” At umalis si Moises sa harapan ng galit na galit na Faraon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.