Exodus 12

“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, dahil magpapaalala ito sa inyo noong araw na inilabas ko ang bawat lahi ninyo mula sa Ehipto. Ang pagdiriwang na ito ay tuntuning panghabang-panahon; ipagdiwang ninyo ito hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Exodus 12:17 (UKJV) And all of you shall observe the feast of unleavened bread; for in this very same day have I brought your armies out of the land of Egypt: therefore shall all of you observe this day in your generations by an ordinance for ever.

15Sa loob ng pitong araw, kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa. Sa unang araw, alisin ninyo ang lahat ng pampaalsa sa bahay ninyo, dahil ang sinumang kumain ng tinapay na may pampaalsa mula sa una hanggang sa ikapitong araw ay hindi ituturing na kabilang sa Israel.

16Sa una at sa ikapitong araw, magtipon kayo upang sumamba sa akin. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon, maliban na lamang sa paghahanda ng pagkain na kakainin ninyo. Ito lang ang gagawin ninyo.

17“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, dahil magpapaalala ito sa inyo noong araw na inilabas ko ang bawat lahi ninyo mula sa Ehipto. Ang pagdiriwang na ito ay tuntuning panghabang-panahon; ipagdiwang ninyo ito hanggang sa mga susunod na henerasyon.

18Simulan ninyong ipagdiwang ito sa dapit-hapon ng ikalabing-apat na araw ng unang buwan hanggang sa dapit-hapon ng ikadalawampuʼt isang araw. Kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa.

19Sa loob ng pitong araw, dapat walang makitang pampaalsa sa bahay ninyo. Ang sinumang kumain ng tinapay na may pampaalsa, ay ituturing na hindi na kabilang sa mamamayan ng Israel, dayuhan man o ipinanganak na Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.