Exodus 12

Sa loob ng pitong araw, dapat walang makitang pampaalsa sa bahay ninyo. Ang sinumang kumain ng tinapay na may pampaalsa, ay ituturing na hindi na kabilang sa mamamayan ng Israel, dayuhan man o ipinanganak na Israelita.

Exodus 12:19 (UKJV) Seven days shall there be no leaven found in your houses: for whosoever eats that which is leavened, even that soul shall be cut off from the congregation of Israel, whether he be a stranger, or born in the land.

17“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, dahil magpapaalala ito sa inyo noong araw na inilabas ko ang bawat lahi ninyo mula sa Ehipto. Ang pagdiriwang na ito ay tuntuning panghabang-panahon; ipagdiwang ninyo ito hanggang sa mga susunod na henerasyon.

18Simulan ninyong ipagdiwang ito sa dapit-hapon ng ikalabing-apat na araw ng unang buwan hanggang sa dapit-hapon ng ikadalawampuʼt isang araw. Kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa.

19Sa loob ng pitong araw, dapat walang makitang pampaalsa sa bahay ninyo. Ang sinumang kumain ng tinapay na may pampaalsa, ay ituturing na hindi na kabilang sa mamamayan ng Israel, dayuhan man o ipinanganak na Israelita.

20Huwag na huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa, saan man kayo nakatira.”

21Pagkatapos, ipinatawag ni Moises ang lahat ng pinuno ng Israel at sinabi, “Pumili kayo ng isang batang tupa o kambing para sa pamilya ninyo at katayin ito upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.