37Naglakbay ang mga Israelita mula Rameses papuntang Sucot. Mga 600,000 lahat ang lalaki, hindi pa kabilang dito ang mga babae at mga bata.
38Marami ring mga dayuhan ang sumáma sa kanila at marami silang dinalang hayop.
39Nang huminto sila upang kumain, nagluto sila ng tinapay na walang pampaalsa mula sa minasang harina na dala nila galing sa Ehipto. Hindi ito nalagyan ng pampaalsa dahil pinagmadali sila ng mga Ehipsiyo na umalis at wala na silang panahong hintayin pa ang pag-alsa ng minasang harina.
40Nanirahan ang mga Israelita sa Ehipto nang 430 taon.
41Sa huling araw ng 430 taon, umalis sa Ehipto ang buong mamamayan ng Panginoon.