Exodus 12

“Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo na gustong makipagdiwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang tuliin ang lahat ng lalaki sa sambahayan niya. At maaari na siyang makasama sa pagdiriwang bilang isang katutubong Israelita. Ngunit hindi maaaring makipagdiwang ang taong hindi natuli.

Exodus 12:48 (UKJV) And when a stranger shall sojourn with you, and will keep the passover to the LORD, let all his males be circumcised, and then let him come near and keep it; and he shall be as one that is born in the land: for no uncircumcised person shall eat thereof.

46“Dapat itong kainin sa loob ng bahay kung saan ito inihanda; hindi dapat ilabas ang karne sa bahay, at huwag babaliin ang buto nito.

47Dapat itong ipagdiwang ng buong mamamayan ng Israel.

48“Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo na gustong makipagdiwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang tuliin ang lahat ng lalaki sa sambahayan niya. At maaari na siyang makasama sa pagdiriwang bilang isang katutubong Israelita. Ngunit hindi maaaring makipagdiwang ang taong hindi natuli.

49Ang tuntuning itoʼy para sa lahat – sa mga purong Israelita at sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.”

50Sinunod ng lahat ng mga Israelita ang iniutos ng Panginoon kina Moises at Aaron.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.