14“Sa hinaharap, kapag tinanong kayo ng inyong anak kung bakit ninyo ito ginagawa, sabihin ninyo sa kanila, ‘Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, inilabas niya kami sa Ehipto kung saan kami inalipin.
15Nang hindi pa kami pinapayagan ng Faraon na umalis, pinatay ng Panginoon ang lahat ng panganay na lalaki sa Ehipto, maging tao o hayop. Ito ang dahilan kung bakit inihahandog namin sa Panginoon ang lahat ng panganay na lalaki ng aming mga hayop at tinutubos namin ang mga panganay naming lalaki.’
16Ang seremonyang ito ay tulad ng tatak sa inyong mga kamay o sa inyong mga noo na magpapaalala sa inyo nang inilabas kayo ng Panginoon sa Ehipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.”
17Nang pinaalis na ng Faraon ang mga Israelita, hindi sila pinadaan ng Diyos sa daang papunta sa lupain ng mga Filisteo kahit na iyon ang pinakamalapit na daan. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Kung may labanang haharapin ang mga Israelita, baka magbago ang isip nila at bumalik sila sa Ehipto.”
18Kaya pinaliko sila ng Diyos sa disyerto papunta sa Dagat na Pula. Armado ang mga Israelita para sa labanan nang lisanin nila ang Ehipto.