Exodus 13

Dinala ni Moises ang mga buto ni Jose, ayon sa ipinanumpa noon ni Jose na gagawin ng mga Israelita. Sinabi noon ni Jose, “Siguradong palalayain kayo ng Diyos. Kapag nangyari na iyon, dalhin ninyo ang mga buto ko sa pag-alis ninyo sa lugar na ito.”

Exodus 13:19 (UKJV) And Moses took the bones of Joseph with him: for he had strictly sworn the children of Israel, saying, God will surely visit you; and all of you shall carry up my bones away behind with you.

17Nang pinaalis na ng Faraon ang mga Israelita, hindi sila pinadaan ng Diyos sa daang papunta sa lupain ng mga Filisteo kahit na iyon ang pinakamalapit na daan. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Kung may labanang haharapin ang mga Israelita, baka magbago ang isip nila at bumalik sila sa Ehipto.”

18Kaya pinaliko sila ng Diyos sa disyerto papunta sa Dagat na Pula. Armado ang mga Israelita para sa labanan nang lisanin nila ang Ehipto.

19Dinala ni Moises ang mga buto ni Jose, ayon sa ipinanumpa noon ni Jose na gagawin ng mga Israelita. Sinabi noon ni Jose, “Siguradong palalayain kayo ng Diyos. Kapag nangyari na iyon, dalhin ninyo ang mga buto ko sa pag-alis ninyo sa lugar na ito.”

20Pag-alis nila sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, sa dulo ng disyerto.

21Kapag araw, ginagabayan sila ng Panginoon sa pamamagitan ng makapal na ulap, at kapag gabi ay ginagabayan sila sa pamamagitan ng naglalagablab na haliging apoy na nagbibigay sa kanila ng liwanag, upang makapaglakbay sila araw man o gabi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.