Exodus 14

Sa araw na iyon, iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita sa kamay ng mga Ehipsiyo. At nakita ng mga Israelita ang mga bangkay ng mga Ehipsiyo na nakahandusay sa dalampasigan.

Exodus 14:30 (UKJV) Thus the LORD saved Israel that day out of the hand of the Egyptians; and Israel saw the Egyptians dead upon the sea shore.

28Tinabunan ng tubig ang lahat ng sundalo ng Faraon na humabol sa mga Israelita pati na ang kanilang mga mangangabayo at karwahe. Wala ni isa mang nakaligtas sa kanila.

29Ngunit ang mga Israelitaʼy dumaan sa tuyong lupa sa gitna ng dagat, na parang pader ang tubig sa magkabilang gilid.

30Sa araw na iyon, iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita sa kamay ng mga Ehipsiyo. At nakita ng mga Israelita ang mga bangkay ng mga Ehipsiyo na nakahandusay sa dalampasigan.

31Nakita ng mga Israelita ang dakilang kapangyarihan ng Panginoon na ginamit niya laban sa mga Ehipsiyo. At dahil dito, iginalang nila ang Panginoon at siyaʼy pinagtiwalaan nila at ang lingkod niyang si Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.