21Inawit ni Miriam ang awit na ito sa kanila: “Umawit kayo sa Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.”
22At dinala ni Moises ang mga Israelita mula sa Dagat na Pula papunta sa ilang ng Shur. Sa loob ng tatlong araw, naglakbay sila sa ilang at wala silang nakitang tubig.
23Nang makarating sila sa Mara, hindi nila mainom ang tubig doon dahil itoʼy mapait. (Ito ang dahilan kung bakit Mara ang pangalan ng lugar.)
24Kaya, nagreklamo ang mga Israelita kay Moises, “Ano ang iinumin natin?”
25Kaya humingi ng tulong si Moises sa Panginoon, at ipinakita ng Panginoon sa kanya ang isang putol ng kahoy. Inihagis ito ni Moises sa tubig at nawala ang pait ng tubig. Doon sa Mara ibinigay ng Panginoon ang tuntunin at kautusang ito upang subukin ang katapatan nila sa kanya: