Exodus 16

Mula sa Elim, nagpatuloy sa paglalakbay ang mamamayan ng Israel hanggang sa makarating sila sa ilang ng Sin, na nasa gitna ng Elim at ng Sinai. Nakarating sila roon sa ikalabinlimang araw ng ikalawang buwan mula nang lumabas sila sa Ehipto.

Exodus 16:1 (UKJV) And they took their journey from Elim, and all the congregation of the children of Israel came unto the wilderness of Sin, which is between Elim and Sinai, on the fifteenth day of the second month after their departing out of the land of Egypt.

1Mula sa Elim, nagpatuloy sa paglalakbay ang mamamayan ng Israel hanggang sa makarating sila sa ilang ng Sin, na nasa gitna ng Elim at ng Sinai. Nakarating sila roon sa ikalabinlimang araw ng ikalawang buwan mula nang lumabas sila sa Ehipto.

2Doon sa ilang, nagreklamo ang lahat ng mga Israelita kina Moises at Aaron.

3Sinabi nila, “Mabuti pang pinatay na lang kami ng Panginoon sa Ehipto! Doon, kahit papaanoʼy nakakakain kami ng karne at ng lahat ng pagkain na gusto namin. Ngunit dinala nʼyo kami rito sa ilang upang patayin kaming lahat sa gutom.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.