25Kaya humingi ng tulong si Moises sa Panginoon, at ipinakita ng Panginoon sa kanya ang isang putol ng kahoy. Inihagis ito ni Moises sa tubig at nawala ang pait ng tubig. Doon sa Mara ibinigay ng Panginoon ang tuntunin at kautusang ito upang subukin ang katapatan nila sa kanya:
26“Kung susundin ninyo ako nang buong puso, ang Panginoon na inyong Diyos, at gagawa ng mabuti sa aking paningin, at susundin ang aking mga kautusan at tuntunin, hindi ko kayo padadalhan ng mga karamdaman gaya ng ipinadala ko sa mga Ehipsiyo, dahil ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo.”
27Dumating sila sa Elim, kung saan may labindalawang bukal at pitumpung puno ng palma, at nagkampo sila malapit sa tubig.