Exodus 16

Nang sumapit na ang gabi, dumagsa ang mga pugo at napuno nito ang buong kampo. Kinaumagahan, nabalot ng hamog ang buong kampo.

Exodus 16:13 (UKJV) And it came to pass, that at even the quails came up, and covered the camp: and in the morning the dew lay round about the host.

11Sinabi ng Panginoon kay Moises,

12“Narinig ko ang pagrereklamo ng mga Israelita. Sabihin mo sa kanila, ‘Sa pagsapit ng gabi, kakain sila ng karne at sa umaga namaʼy magpapakabusog sila sa tinapay. At malalaman ninyong ako ang Panginoon na inyong Diyos.’ ”

13Nang sumapit na ang gabi, dumagsa ang mga pugo at napuno nito ang buong kampo. Kinaumagahan, nabalot ng hamog ang buong kampo.

14Nang mawala ang hamog, may nakita silang maliliit na bagay sa lupa na puting-puti.

15Hindi nila alam kung ano ito kaya nagtanungan sila, “Ano kaya iyan?” Sinabi ni Moises sa kanila, “Iyan ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kainin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.