Exodus 16

Hindi nila alam kung ano ito kaya nagtanungan sila, “Ano kaya iyan?” Sinabi ni Moises sa kanila, “Iyan ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kainin.

Exodus 16:15 (UKJV) And when the children of Israel saw it, they said one to another, It is manna: for they know not what it was. And Moses said unto them, This is the bread which the LORD has given you to eat.

13Nang sumapit na ang gabi, dumagsa ang mga pugo at napuno nito ang buong kampo. Kinaumagahan, nabalot ng hamog ang buong kampo.

14Nang mawala ang hamog, may nakita silang maliliit na bagay sa lupa na puting-puti.

15Hindi nila alam kung ano ito kaya nagtanungan sila, “Ano kaya iyan?” Sinabi ni Moises sa kanila, “Iyan ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kainin.

16Sinabi ng Panginoon na ang bawat isa sa inyoʼy mag-ipon nito ayon sa inyong pangangailangan; mga isang salop bawat tao.”

17Kaya nanguha ang mga Israelita ng mga pagkaing ito; marami ang kinuha ng iba habang ang iba naman ay kaunti lang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.