Exodus 16

Ngunit ang iba sa kanilaʼy hindi nakinig kay Moises at nagtira sila para sa susunod na araw. Ngunit inuod ito at nangamoy. Kaya nagalit si Moises sa kanila.

Exodus 16:20 (UKJV) Notwithstanding they hearkened not unto Moses; but some of them left of it until the morning, and it bred worms, and stank: and Moses was angry with them.

18Nang takalin nila ito, isang salop ang nakuha ng bawat tao. Ang nagtipon ng marami ay hindi sumobra, at ang nagtipon ng kaunti ay hindi naman kinulang. Tamang-tama lang ang nakuha ng bawat isa.

19Sinabi ni Moises sa kanila, “Walang magtitira nito para sa susunod na araw.”

20Ngunit ang iba sa kanilaʼy hindi nakinig kay Moises at nagtira sila para sa susunod na araw. Ngunit inuod ito at nangamoy. Kaya nagalit si Moises sa kanila.

21Tuwing umaga, nangunguha ang bawat isa ayon sa kanyang kailangan. At kapag uminit na, natutunaw ang pagkaing hindi nila nakukuha.

22Sa ikaanim na araw, doble ang kanilang kinukuha, mga dalawang salop bawat tao. Kaya pumunta ang mga pinuno ng mamamayan kay Moises at ibinalita iyon sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.