29Alalahanin ninyo na binigyan ko kayo ng Araw ng Pamamahinga, kaya nga tuwing ikaanim na araw ay dinodoble ko ang pagkain ninyo. Manatili ang bawat isa sa bahay niya sa ikapitong araw; walang lalabas.”
30Kaya nagpahinga ang mga tao sa ikapitong araw.
31Tinawag na manna ng mga Israelita ang pagkain. Para itong maliliit at mapuputing buto ng kulantro, at matamis kagaya ng manipis na tinapay na may pulot.
32Sinabi ni Moises, “Ipinag-utos ng Panginoon na magtago kayo ng isang salop na manna para sa susunod pang mga henerasyon, upang makita nila ang pagkaing ibinigay ko sa inyo sa ilang nang inilabas ko kayo sa Ehipto.”
33Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kumuha kayo ng sisidlan at lagyan ito ng isang salop na manna. Pagkatapos, ilagay ninyo ito sa harapan ng Panginoon para sa susunod pang mga henerasyon.”