Exodus 16

Sinabi ni Moises, “Ipinag-utos ng Panginoon na magtago kayo ng isang salop na manna para sa susunod pang mga henerasyon, upang makita nila ang pagkaing ibinigay ko sa inyo sa ilang nang inilabas ko kayo sa Ehipto.”

Exodus 16:32 (UKJV) And Moses said, This is the thing which the LORD commands, Fill an omer of it to be kept for your generations; that they may see the bread wherewith I have fed you in the wilderness, when I brought you forth from the land of Egypt.

30Kaya nagpahinga ang mga tao sa ikapitong araw.

31Tinawag na manna ng mga Israelita ang pagkain. Para itong maliliit at mapuputing buto ng kulantro, at matamis kagaya ng manipis na tinapay na may pulot.

32Sinabi ni Moises, “Ipinag-utos ng Panginoon na magtago kayo ng isang salop na manna para sa susunod pang mga henerasyon, upang makita nila ang pagkaing ibinigay ko sa inyo sa ilang nang inilabas ko kayo sa Ehipto.”

33Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kumuha kayo ng sisidlan at lagyan ito ng isang salop na manna. Pagkatapos, ilagay ninyo ito sa harapan ng Panginoon para sa susunod pang mga henerasyon.”

34Sinunod ni Aaron ang iniutos ng Panginoon kay Moises. Inilagay niya ito sa Kahon ng Patotoo para maitago.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.