Exodus 16

Sinabi nina Moises at Aaron, “Sabihin ninyo sa buong mamamayan ng Israel na lumapit sila sa harapan ng Panginoon dahil narinig niya ang pagrereklamo ninyo.”

Exodus 16:9 (UKJV) And Moses spoke unto Aaron, Say unto all the congregation of the children of Israel, Come near before the LORD: for he has heard your murmurings.

7at bukas ng umaga, makikita ninyo ang makapangyarihang presensya ng Panginoon. Sapagkat narinig niya ang mga reklamo ninyo. Sino ba kami para sa amin kayo magreklamo?”

8Sinabi pa ni Moises, “Bibigyan kayo ng Panginoon ng karne na kakainin ninyo sa gabi at bubusugin niya kayo ng tinapay sa umaga, dahil narinig niya ang pagrereklamo ninyo sa kanya. Ngunit sino ba naman kami? Ang inyong mga pagrereklamo ay hindi laban sa amin, kundi laban sa Panginoon.”

9Sinabi nina Moises at Aaron, “Sabihin ninyo sa buong mamamayan ng Israel na lumapit sila sa harapan ng Panginoon dahil narinig niya ang pagrereklamo ninyo.”

10Habang nagsasalita si Aaron sa buong mamamayan ng Israel, tumingin sila sa ilang at nakita nila ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa ulap.

11Sinabi ng Panginoon kay Moises,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.